Duterte sa MILF, MNLF: ‘Talikuran niyo na ang Abu Sayyaf’
Hinimok ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Moro Islamic Liberation Front (MILF) at ang Moro National Liberation Front (MNLF) na putulin na ang kanilang ugnayan sa teroristang grupong Abu Sayyaf.
Ito aniya ay kung gusto talaga ng MILF at MNLF na ipagpatuloy ang usaping pangkapayapaan sa pagitan nila at ng pamahalaan.
Sa talumpati ni Duterte sa harap ng mga sundalo sa Fort Magsaysay sa Nueva Ecija, nais niyang marinig mula mismo sa MILF at MNLF na wala na silang koneksyon sa Abu Sayyaf dahil ang mga ito ang nagsu-supply ng armas sa mga terorista.
Sinabi rin ng pangulo na handa ang pamahalaan na magbigay ng safe conduct pass kay MNLF chairman Nur Misuari, pati na kay CPP-NPA founder Jose Ma. Sison.
Una na ring nagpahayag ng kahandaang makiisa sa usaping pangkapayapaan si MILF chairman Murad Ibrahim.
Ani Duterte, handa rin naman ang pamahalaan sakaling hindi umubra ang peace talks sa pamamagitan ng pagpapalakas ng mga kakayanan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP).
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.