NPA naka-‘active defense mode’ kasunod ng gov’t ceasefire

By Kabie Aenlle July 27, 2016 - 04:18 AM

 

Inquirer file photo

Matapos magdeklara si Pangulong Rodrigo Duterte ng unilateral ceasefire noong Lunes, agad na ipinag-utos ng New People’s Army (NPA) sa kanilang mga units na ikasa ang “active defense mode” pagdating ng Martes ng hapon.

Ayon kay Jorge “Ka Oris” Madlos na bagong talagang tagapagsalita ng NPA-National Operational Command (NPA-NOC), ito ang kanilang inisyal na tugon sa deklarasyon ng pangulo.

Alinsunod aniya sa direktiba ng CPP, inaatasan ng NPA-NOC ang lahat ng kanilang mga territorial at unit commands kabilang na ang mga units ng people’s militias na manatili sa active defense mode, bilang pag-tanggap sa unilateral ceasefire na idineklara ni Pangulong Duterte.

Ani Madlos, mananatili ang pag-iral ng kautusang ito habang naghihintay sa reciprocal ceasefire declaration ng National Democratic Front of the Philippines (NDFP).

Gayunman, tiniyak ni Madlos na mahigpit rin nilang babantayan ang mga kilos ng mga sundalo sa kung paano nila susundin ang utos ng pangulo.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.