Pag-atake sa simbahan sa France, inako ng IS

By Kabie Aenlle July 27, 2016 - 04:08 AM

111615-ISIS-flagInako ng Islamic State group na dalawa sa kanilang mga itinuturing na sundalo ang sumugod sa isang simbahan sa France, at gumilit sa leeg ng isang pari.

Naganap ang pangho-hostage ng mga suspek sa Saint-Etienne-du-Rouvray, wala pang dalawang linggo matapos ang pag-araro ng isang truck sa Nice, France kung saan 84 katao ang nasawi.

Ayon kay French President Francois Hollande, bago patayin ng mga suspek ang matandang pari na Katoliko, nanumpa muna ang mga ito ng pag-anib sa Islamic State.

Hindi nagtagal matapos ang insidenteng ito, naglabas ng pahayag ang Amaq news agency ng IS na nagsasabing mga tauhan nila ang nagsagawa ng pag-atake.

Ito anila ay kanilang tugon sa mga panawagan na targetin ang mga bansa ng mga Crusader coalition.

Ayon kay Interior Ministry spokesman Pierre Henry Brandet, sumalakay ang dalawang suspek habang idinaraos ang pang-umaga na misa.

Aniya, paglabas ng mga suspek sa simbahan, agad silang pinatay ng mga pulis.

Tatlo sa mga hostages ay ligtas na napakawalan habang ang isa pa ay nasa kritikal na kondisyon.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.