Speaker Alvarez umamin, Suarez manok nila sa minority leadership

By Isa Avendaño-Umali July 26, 2016 - 08:33 PM

Danilo-Suarez
Inquirer file photo

Nais umano ng supermajority ni House Speaker Pantaleon Alvarez na magkaroon ng isang ‘friendly Minority’ kaya gumagalaw ito para maging lider ng Minorya si Quezon Rep. Danilo Suarez.

Ito ang tahasang sinabi ni Caloocan City Rep. Edgar Erice, sa gitna ng sigalot sa kung sino ang dapat maging Minority leader ng 17th Congress.

Pero giit ni Erice, walang nabago sa rules.

Ibig sabihin, si Ifugao Rep. Teddy Baguilat ang nanalong Minority leader matapos siyang makakuha ng 8 votes, kontra sa 7 votes na nalikom ni Suarez.

Sinegundahan ito ni Magdalo Parylist Rep. Gary Alejano at sinabi pang dapat na magkaroon ng authentic Minority.

Binigyang-diin ni Alejano na hindi lahat ng sasabihin ng supermajority ni Alvarez ay dapat sang-ayunan na lamang.

Pero agad namang nilinaw ni Suarez na walang sinister plot sa pagbuo ng minorya sa Kamara.

Ani Suarez, ang tanging naging kasalanan niya ay masyado siyang ‘friendly’ sa lahat.

Dagdag nito, kailangan sundin ang rules pero kung si Baguilat aniya ang maging Minority leader ay hindi raw ito problema sa kanya.

TAGS: 17th congress, minority, suarez, 17th congress, minority, suarez

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.