Dagdag na sweldo para sa mga tauhan ng AFP at PNP muling tiniyak ni Duterte

By Den Macaranas July 26, 2016 - 04:35 PM

Duterte Army
Inquirer file photo

Muling tiniyak ni Pangulong Rodrigo Duterte na hindi niya tatalikuran ang kanyang pangako na dagdag umento para sa mga miyembro ng Armed Forces of the Philippines.

Sa kanyang pagsasalita sa mga opisyal at sundalo ng 7th Infantry Batallion ng Philippine Army sa Palayan City sa Nueva Ecija ay sinabi ng pangulo na siya mismo ang titiyak na maipapatupad ang kanyang pangako.

“Pumasok ang aking gobyerno kalagitnaan na ng taon, hindi kami ang gumawa ng budget pero sa susunod na taon kausap ko na si (Defense) Sec. Lorenzana na tiyakin na maibibigay ang dagdag na sweldo para sa inyo”, ayon sa pangulo.

Muli ring binigyang-diin ni Duterte na tuloy ang pagsusulong niya ng peace process sa iba’t ibang mga grupo tulad ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) at Moro National Democratic Front (MNLF).

“Kung hindi sila Filipino ako na mismo ang magsasabi sa inyo na sige lusubin ninyo sila, pero hindi dahil kapatid natin sila”, dagdag pa ni Duterte.

Idinagdag din ng Commander-in-Chief na bukod sa dagdag na 20,000 personnel para sa AFP, bibili rin ang kanyang administrasyon ng mga dagdag na armas para sa mga sundalo.

TAGS: AFP, MILF, mnlf, Philippine Army, AFP, MILF, mnlf, Philippine Army

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.