Luzon grid isinailalim sa yellow alert ng NGCP dahil sa manipis na reserba ng kuryente

By Dona Dominguez-Cargullo July 26, 2016 - 12:25 PM

NGCP towerIsinailalim sa yellow alert ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) ang Luzon grid dahil sa manipis na reserba ng kuryente.

Ayon sa abiso ng NGCP, alas 12:00 ng tanghali nagsimula ang yellow alert na tatagal hanggang alas 3:00 ng hapon ng Martes, July 26.

Ayon sa NGCP, kaninang alas 11:00 ng umaga, mayroong 9,723MW na available capacity, at mayroong 9,125MW na peak demand.

Sa pagitan ng alas 12:00 at alas 3:00 ng hapon ay inaasahang tataas pa ang demand sa kuryente kaya ninipis pa ang reserba.

Sa ngayon ayon sa NGCP, mayroon pa ring mga planta ang sumasailalim sa maintenance kaya naka-shutdown o hindi nagagamit.

Para maiwasan ang pagpapatupad ng rotational brownout, pinayuhan naman ng Meralco ang kanilang consumers na magtipid sa paggamit ng kuryente.

Partikular na maaring gawin ang pag-set ng air condition units sa 25 degrees Celsius at pagtitiyak na ang mga refrigerator ay nakasarang mabuti at iwasan ang pagbubukas-sara nito.

Inabisuhan na rin ng Meralco ang mga commercial at industrial customers na kasali sa Interruptible Load Program na maging handa sa posibilidad na paggamit ng kanilang generator sets sakaling kailanganin.

 

 

TAGS: luzon grid on yellow alert, luzon grid on yellow alert

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

News Hub