Binabantayang LPA ng PAGASA, naging bagyo paglabas ng bansa

JULY 26Lumakas at naging isang tropical depression na ang low pressure area na binabantayan ng PAGASA.

Gayunman, ayon sa PAGASA, nakalabas na ito ng Philippine area of responsibility (PAR) bago tuluyang lumakas at maging bagyo.

Huli itong namataan ng PAGASA sa 845 kilometers west ng Laoag City sa Ilocos Norte, taglay ang lakas ng hanging aabot sa 45 kilometers kada oras.

Kumikilos ito sa direksyong west northwest sa bilis na 20 kilometers kada oras.

Ayon sa PAGASA, wala na itong direktang epekto sa anomang bahagi ng bansa.

Sinabi ng PAGASA na tanging Intertropical Convergence Zone o ITCZ ang umiiral na weather system sa bansa at naka-aapekto sa Mindanao.

 

 

 

Read more...