Lalaking nanaksak sa disabled center sa Japan, nakilala na; na-recover na bag puno ng panaksak
Nakilala na ng mga otoridad ang lalaking nanaksak sa loob ng isang residential care facility para sa mga disabled sa Kanagawa Prefecture sa Japan.
Aabot sa 19 ang nasawi sa nasabing pananaksak at 25 ang sugatan.
Ayon sa Kanagawa prefectural police sumuko sa kanila matapos ang insidente ang suspek na si Satoshi Uematsu, 26 anyos at inamin ang pagkakasala.
Na-recover sa kaniya ang isang bag na nang buksan ng mga pulis ay puno ng mga kutsilyo at iba pang matutulis na bagay.
Si Uematsu ay dating empleyado ng pasilidad sa Sagamihara City at residente rin sa nasabing lugar.
Ang nasabing center ay isang residential care facility para sa mga disabled na itinayo ng Kanagawa prefectural government.
Nasa 30,000-square-meter ang lawak nito at kayang mag- accommodate ng hanggang 160 katao.
Noong Abril, nasa kabuuang 149 ang naninirahan sa pasilidad na ang edad ay nasa 19 hanggang 75.
Matapos ang insidente ng pananaksak, dumagsa sa center ang pamilya at kaibigan ng mga disabled na kinakalinga sa nasabing lugar.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.