Gen. Bato, nangakong babawiin ang mga pulis na dinukot ng NPA

By Kabie Aenlle July 26, 2016 - 03:30 AM

 

Kuha ni Ruel Perez

Tiniyak ni Philippine National Police (PNP) Director General Ronald “Bato” dela Rosa na ginagawa na nila ang lahat para ligtas nilang mabawi ang tatlong pulis at isang non-uniformed personnel na dinukot ng mga rebelde sa Malimono, Surigao del Norte noong Linggo.

Ayon kay Dela Rosa, hindi nila basta iiwan ang kanilang mga tauhan at gagawin nila ang lahat ng kanilang makakaya upang marekober nila ang mga ito.

Dagdag pa ni Dela Rosa, makikipag-negosasyon muna sila at kung hindi uubra at tsaka sila magsasagawa ng operasyon upang masagip ang mga biktima.

Kung kakailanganin aniya na makipag-digmaan sila para muling makuha ang kanilang mga kasamahan, gagawin nila ito ngunit makikipag-usap muna sila.

Base sa report mula sa PNP-Caraga office, nasa 10 hinihinalang rebeldeng miyembro ng New People’s Army (NPA) ang dumukot kina SPO3 Santiago Lamanilao, PO3 Jayroll Bagayas, PO2 Caleb Sinaca at Rodrigo Angob na pawang mga nakatalaga sa Malimono police station, hapon ng Linggo.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.