Philippine stocks sa araw ng SONA ni Duterte, pinakamataas sa loob ng 24 na taon

By Inquirer.net, Jay Dones July 26, 2016 - 03:05 AM

 

Inquirer fle photo

Sumipa ng todo ang halaga ng stocks sa araw mismo ng State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ito na ang kauna-unahang pagkakataon sa nakalipas na 24 na taon na lumobo ang trading sa araw ng paghahayag ng SONA ng mga nakalipas na tatlong pangulo ng bansa.

Nagsara kahapon ang benchmark ng Philippine Stock Exchange index (PSEi) ng 0.3 percent na mas mataas o sa halagang 8,049 points isang oras bago magsimula ang SONA.

Ayon kay BDO Unibank Inc. chief strategist Jonathan Ravelas, bagama’t inasahan na ng mga analyst ang pagtaas ng halaga ng trading dahil sa pagganda ng gains sa US market, naging kakaiba pa rin ang pangyayari kahapon.

Paliwanag ni Ravelas, sa nakalipas na 24 na taon o sa tuwing unang SONA ng mga nakaraang Pangulo, karaniwang bumababa ang PSE index.

Noong unang SONA aniya ni dating Pangulong Joseph Estrada noong 1998, bumaba ng 1.2 points ang PSEi.

Bumaba naman ng 0.9 points ang stock index noong 2001 sa panahon ni dating Pangulong Gloria Arroyo at 0.1 percent naman ang ibinaba noong pag-upo sa puwesto ni ex-President Noynoy Aquino.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.