Magsasaka na sasama sana sa rally sa SONA, nasawi

By Jay Dones July 25, 2016 - 11:22 PM

 

Leo Sabangan/Inquirer

Hindi na nakadalo sa aktuwal na rally ng kanilang grupo sa araw ng SONA ni Pangulong Rodrigo Duterte ang isang 35-anyos na magsasaka.

Ito’y matapos bawian ng buhay ang biktimang si Roberto Mapa ng Uson, Masbate ilang oras bago ang simula ng kanilang pagkilos bago ang talumpati ng pangulo sa Batasan Complex kahapon.

Si Mapa ay miyembro ng Kilusang Mayo Uno (KMU) at magsasaka ng Masbate chapter na nagtungo sa Maynila upang making sa SONA ng Pangulo.

Ayon sa ulat ng Quezon City Police District (QCPD) nagpapahinga ang kanilang grupo sa UP Diliman dakong alas-3:00 ng madaling-araw ng Lunes nang makaramdam hirap sa paghinga ang biktima.

Dahil dito, agad na dinala ng kanyang mga kasamahan sa East Avenue Medical Center si Mapa, ngunit idineklara itong dead-on-arrival sa pagamutan.

Wala namang nakitang external injuries ang mga doktor sa katawan ng biktima.

Samantala, ‘generally peaceful’ naman ang kabuuan ng rally ng mga militanteng grupo sa kasagsagan ng unang SONA ni Pangulong Duterte.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.