Duterte nakipagpulong sa mga militanteng grupo pagkatapos ng SONA

By Chona Yu, Den Macaranas July 25, 2016 - 08:41 PM

duterte-militants
Photo: Renato Reyes

Nagkaroon ng ilang minutong pulong si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga lider ng ilang militanteng grupo makalipas ang kanyang unang State of the Nation Address (SONA).

Ginanap ang pulong sa tanggapan ng Presidential Legislative Liason Office (PLLO) sa loob ng Batasan Pambansa Complex.

Sumentro ang usapin sa ilang mga isyung may kinalaman sa urban poor at labor concerns tulad ng dagdag na umento at contractualization.

Muling tiniyak ng pangulo sa grupo nina Renato Reyes ng Bagong Alyansang Makabayan (Bayan) na bukas ang kanyang pamahalaan sa mga hinaing ng mga ordinaryong mamamayan.

Nauna nang sinabi ng Bayan na bagama’t suportado nila ang kasalukuyang pamahalaan ay hindi ito nangangahulugan na hindi na sila handing bumalik sa mga lansangan.

TAGS: BAYAN, deuterte, renato reyes, BAYAN, deuterte, renato reyes

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.