Cong. Baguilat dismayado sa pagharang sa pamumuno niya sa minoriya

By Den Macaranas, Isa Avendaño-Umali July 25, 2016 - 02:47 PM

Teddy BaguilatSinabi ni ifugao Rep. Teddy Baguilat na sadyang binago ang rules sa pagpili ng minority leader sa Kamara para maibigay ito kay Quezon Rep. Danilo Suarez.

Ayon kay Baguilat, ang pangalawang nakakuha ng pinaka-mataas na boto sa pagka House Speaker ang siya dapat na otomatikong tatayo bilang lider ng minority bloc pero sa pagpasok ng 17th Congress ay sapilitan itong binago.

Si Baguilat ay nakakuha ng 8 votes samantalang 7 votes naman ang para kay Suarez at 21 ang nag-abstain.

Sinabi ni Baguilat na sadyang marami ang nag-abstain at palatandaan ito na inirereserba ang kanilang pagpapalit ng boto pabor kay Suarez.

Nauna nang sinabi ni majority leader Rudy Fariñas na opsyon ang minorya na bomoto ng kanilang lider at otomatikong magiging lider nila si Baguilat.

Kanina ay nagbitiw na rin sa UNA si Navotas Rep. Toby Tiangco makaraan siyang mabigo na makuha ang basbas ng kanyang partido para pamunuan ang minority bloc.

Sa halip, pinili ng UNA si Suarez na kanilang pinatakbo bilang House Speaker.

TAGS: 17th congress, Alvarez, baguilat, farinas, minority, SONA, 17th congress, Alvarez, baguilat, farinas, minority, SONA

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.