No show mamaya sa kauna-unahang State of the Nation Address (SONA) ng kanyang amang si Pangulong Rodrigo Duterte si Davao City Mayor Sara Duterte.
Ayon kay Davao City Information Officer Jeffrey Tupas, nagpa check-up sa St. Luke’s Hospital si Mayor Sara Duterte nang dumating ito sa Metro Manila ngayong umaga at pinayuhan siya ng duktor na magpahinga ng ilang araw.
Sinabi ni Tupas na “complete rest” ang kinakailangan ng nakababatang Duterte. “She was advised complete rest at least for a couple of days by her doctor. But there is nothing to worry [about]. The mayor is doing well now,” ani Tupas.
Hindi naman na binanggit ni Tupas kung ano ang karamdaman ni Mayor Sara.
Dadalo naman sa SONA ang asawa ni Mayor Sara na si Atty. Manases Carpio.
Ayon kay Tupas, malungkot si Mayor Sara na hindi niya masasaksihan ng personal ang SONA ng kaniyang ama.