Pangulong Duterte, may announcement sa SONA na makalaglag upuan – Andanar

By Chona Yu, Dona Dominguez-Cargullo July 25, 2016 - 11:44 AM

Duterte photoMay malaking anunsyo umano si Pangulong Rodrigo Duterte sa kaniyang State of the Nation Address (SONA) mamaya na ikalalaglag sa upuan ng mga makikinig.

Ganito inilarawan ni Presidential Communications Office Sec. Martin Andanar ang magiging bahagi ng talumpati ng Pangulong Duterte para sa kaniyang kauna-unahang SONA.

Una nang sinabi ni Andanar na very powerful at naiyak siya nang mabasa niya ang nilalaman ng SONA.

Tiniyak din ni Andanar na mapapansin ng lahat ang pagkakaroon ng pagbabago sa SONA ni Duterte kumpara sa mga nagdaang SONA.

Nagkaroon ng dalawampung revisions ang speech ni Pangulong Duterte bago maisapinal ang kaniyang SONA.

Ayon kay Andanar, si Duterte ang sumulat ng buong speech niya.

Alas 10:00 pa ng gabi kagabi nang dumating sa Maynila ang pangulo sakay ng isang private plane galing Davao City.

Dumeretso ito sa Bahay Pangarap at doon nagpalipas ng gabi at kasalukuyang naghahanda para sa kaniyang SONA mamaya.

 

TAGS: SONA 2016, SONA 2016

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.