10 na ang biktima ng macapuno

July 17, 2015 - 05:31 PM

Juan Sumulong students
Kuha ni Jong Manlapaz

Isa pang hinihinalang biktima ng pagkakalason sa macapuno ang dinala sa ospital.

Dahil dito ay umabot na sa sampu ang bilang ng mga estudyante ng Juan Sumulong High School sa Cubao Quezo City ang naospital matapos na kumain ng macapuno na binili nila sa isang tindero na pumasok sa kanilang paaralan.

Ang ika-10 biktima ay dinala sa Intensive Care Unit (ICU) ng Quirino Memorial Medical Center.

Kanina ay iniulat ng pamunuan ng nasabing pagamutan na nasa ICU pa rin ang isa pang estudyanteng babae dahil binabantayan pa ang kaniyang heart rate.

Ang nasabing estudyante ay nakaubos umano ng tatlong balort ng biniling candy.

Sinabi rin ng pagamutan na sa kanilang inisyal na pagsusuri sa mga biktima, kontaminado ng organophosphate ang nakain nilang macapuno candy.

Ang organophosphate ay kemikal na ginagamit sa pesticides./Jong Manlapaz

TAGS: macapuno caindy poisoning, Radyo Inquirer, macapuno caindy poisoning, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.