Commonwealth Ave., hindi isinara; mga raliyista first time nakapasok sa IBP road

By Dona Dominguez-Cargullo, Ricky Brozas July 25, 2016 - 10:12 AM

Inquirer.net Photo | Noy Morcoso
Inquirer.net Photo | Noy Morcoso

Kakaiba ang mga naging kaganapan ilang oras bago ang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Dati tuwing SONA ng pangulo ng bansa, madaling araw pa lang, may isinasara nang bahagi sa magkabilang panig ng Commonwealth Avenue sa Quezon City.

Inquirer Photo/Grig Montegrande
Inquirer Photo/Grig Montegrande

Ito ay para bigyang-daan ang paglalatag ng seguridad sa nasabing kalsada, gaya ng paghaharang ng mga container vans na pangontra sa mga raliyista.

Kapag nagsimula nang lumiwanag, isasara na ang buong eastbound lang Commonwealth Avenue mula sa bahagi ng Ever Gotesco Mall sa Quezon City hanggang sa Commission on Audit (COA).

Kuha ni Ricky Brozas
Kuha ni Ricky Brozas

Sa mga nagdaang SONA kasi, ang mga grupong magpoprotesta kontra SONA ay pinapayagan lang hanggang sa bahagi ng Ever, at hindi hinahayaan na makalagpas sa St. Peter’s Church.

Habang ang mga grupo namang pro-administration ay pinapayagang magtipun-tipon sa harapan ng COA.

Ngayong unang SONA ni Duterte, kakaibang eksena ang makikita sa Commonwealth. Bukas at malayang nadadaanan ng mga motorista ang eastbound at westbound lane.

Wala kasing nakaharang na mga raliyista dahil sa unang pagkakataon, pinayagan silang makapanatili sa IBP Road, malapit sa Batasan complex.

Ayon kay Quezon City Police District (QCPD) Director Sr. Supt. Guillermo Eleazar, kagabi nila napagpasyahan na payagan sa IBP road ang mga raliyista para hindi na rin sila humarang sa mga motorista sa Commonwealth.

Inquirer.net Photo / Noy Morcoso
Inquirer.net Photo / Noy Morcoso

Ani Eleazar, tanging ang bahagi ng IBP road partikular ang mula sa Commonwealth Ave., hanggang sa IBP road ang sarado.

Ito ay para magamit ng mga raliyista gayundin para madaanan ng mga magtutungo at dadalo sa SONA.

Bukas naman ang bahagi ng IBP Road mula sa Litex Road hanggang sa Commonwealth Avenue.

Ayon naman kay Renato Reyes, secretary general ng grupong BAYAN o Bagong Alyansang Makabayan, maging ang mga miyembro nilang galing sa mga lalawigan ay hindi nakaranas ng panghaharang mula noong Sabado.

Aniya, malaya silang nakarating sa Metro Manila at nakalahok sa pagkilos.

Ayon kay Reyes, nakatutuwa na bukas si Pangulong Duterte sa malayang pamamahayag.

 

TAGS: SONA Rallies, SONA Rallies

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.