Walang barb wire at container vans kontra raliyista; mga magra-rally hindi magsusunog ng effigy

By Dona Dominguez-Cargullo, Erwin Aguilon July 25, 2016 - 08:11 AM

Inquirer.net Photo / Noy Morcoso
Inquirer.net Photo / Noy Morcoso

Hindi gaya ng mga nagdaang administrasyon, walang inilatag na mga barb wire at walang mga inihandang container van na haharang sa mga magsasagawa ng kilos protesta ngayong araw sa palibot ng Batasan complex sa Quezon City.

Katunayan ayon sa grupong Bagong Alyansang Makabayan, pinayagan sila ng administrasyong Duterte na makapagmartsa papalapit sa Batasan Road.

Simula kahapon ay nagsimula na ang programa ng BAYAN sa Quezon City Memorial Circle at mamaya ay magsisimula na silang mag martsa papalapit ng Batasan.

Sinabi ni BAYAN Sec. Gen. Renato Reyes, ito ang unang pagkakataon na napayagan silang makalapit sa Batasan complex.

Inquirer Photo / Grig Montegrande
Inquirer Photo / Grig Montegrande

Sa panig ng mga nagpoprotesta, wala rin silang inihandang effigy na susunugin, ‘di gaya noong nagdaang mga administrasyon.

Dati-rati, ilang araw bago ang SONA ng pangulo ng bansa, inihahanda na ng mga militanteng grupo ang naglalakihang effigy dahil sentro lagi ng kanilang pagkilos ang pagsusunog ng mga ito.

Ngayon, sa halip na effigy, malalaking kulay puting kalapati ang bitbit ng iba’t ibang grupo habang sila ay nagmamartsa patungo sa Batasan.

May mga inihanda namang truck ng basura na gagamitin na pangharang sakaling mayroong magtangka na manggulo.

Kuha ni Erwin Aguilon
Kuha ni Erwin Aguilon

Sa Mendiola, ilang miyembro ng grupong Sanlakas at Bukluran ng Manggagawang Pilipino.

Bitbit ang mga streamers, nagsagawa ng programa ang miyembro ng nasabing mga grupo sa bahagi ng Mendiola Bridge na ngayon ay bantay sarado na rin ng mga pulis.

 

 

TAGS: no effigy for the first SONA of Duterte, SONA Rallies, no effigy for the first SONA of Duterte, SONA Rallies

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.