57 estudyante sa Sultan Kudarat, nalason sa okoy

File photo
File photo

Limampu’t pitong estudyante sa Sultan Kudarat ang hinihinalang nalason sa kinain nilang okoy.

Ang okoy na gawa sa kalabasa at harina ay binili ng mag-aaral sa labas ng Ala Elementary School sa bayan ng Esperanza.

Ayon kay Sr. Insp. Eisbo Llamanzares, ang 57 estudyante ay pawang mga grades 4, 5 at 6.

Dumaing umano ng matinding pananakit ng tiyan, pagsusuka at pagdudumi ang mga bata matapos makakain ng okoy.

“It could be food poisoning because they complained of abdominal pain and vomitting, these are indicators of food poisoning,” ayon kay Llamanzares.

Nagpadala na ng sample ng nasabing pagkain sa provincial health office para masuri.

Sinabi ni Llamanzares na ito ang unang pagkakataon na may napaulat na pagkalason sa okoy sa kanilang lugar na madalas ibinebenta sa mga paaralan dahil paborito ito ng mga estudyante./ Inquirer Mindanao, Dona Dominguez-Cargullo

Read more...