Hindi tiyak na makapagpapasya na ang pangulo

July 17, 2015 - 04:53 PM

sen grace poe1
File photo

Hindi garantiya para kay Senator Grace Poe ang ikalawang pulong kina Pangulong Aquino, Interior Secretary Mar Roxas at Senator Chiz Escudero na makakabuo na sila ng consensus para sa 2016 elections.

Kinumpirma ni Poe na may part 2 ang meeting nila bago ang State of the Nation Address (SONA) ng Pangulo sa July 27.

Pero hindi makapagbigay si Poe ng katiyakan na magkakaroon sila ng pinal na desisyon sa ikalawa nilang meeting.

Ayon kay Poe, sa una nilang dinner ay hindi napag-usapan ang mga detalye kung sino ang tatakbo sa anumang posisyon sa susunod na halalan.

Paliwanag ni Poe, sa tingin daw niya ay ‘personal choice’ ang anumang magiging desisyon ng isang tao. “I feel, that it is a personal choice when a decision should be reached by each individual,” sagot ni Poe sa tanong kung inaasahan ba na sila ay magdedesisyon na sa susunod na pulong kay Pangulong Aquino.

Ang part 2 ng pulong ay inaasahang mangyari ngayong linggong ito o bago ang State of the Nation Address ng pangulo./ Len Montaño

TAGS: meeting with PNoy, State of the Nation Address, meeting with PNoy, State of the Nation Address

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.