Bumaba na sa pwesto bulang Prime Minister ng Nepal si Khagda Prasad Oli matapos ang siyam ba buwan ng panunungkulan.
Ginawa ito ni Oli bago pa man siya humarap sa isang confidence vote sa parliament dahil inasahan na niyang matatalo siya.
Ito’y matapos kumalas ang Maoist party sa coalition matapos siyang akusahan ng hindi pagkilala sa mga power-sharing agreements.
Ayon kay Oli, dahil sa kaniyang biglaang pag-resign ay tiyak na makakapag-palala sa political instability sa kanilang bansa.
Paliwanag niya, ang mga opposition parties ay nagsasabwatan para sa kanilang makikitid na interes at ikinagulat niya aniya ito.
Isinumite na rin niya ang kaniyang resignation letter sa presidente at sinabihan na rin niya ang speaker nang mabigyang daan ang paghalal sa bagong prime minister ng Nepal.
Hindi na bago sa Nepal ang mga ganitong pagbabago dahil sa loob lang ng nagdaang sampung taon, si Oli na ang ikawalong prime minister.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.