LP opisyal nang bahagi ng ‘supermajority’

By Isa Avendaño-Umali, Jay Dones July 25, 2016 - 04:29 AM

 

pimentel-belmonte-Opisyal nang kasapi ng ‘supermajority’ ang Liberal Party.

Pinangunahan nina outgoing House Speaker Feliciano Belmonte Jr. at incoming House Speaker Pantaleon Alvarez at incoming Senate President Sen. Koko Pimentel ng PDP-Laban ang lagdaan sa isang coalition agreement kagabi sa Makati City.

Una rito, matatandaang sinabi pa ni Belmonte na hindi sila lalahok sa supermajority at sa halip, tatakbo na lang siyang muli bilang House Speaker sa susunod na Kongreso.

Gayunman, nitong nakalipas na weekend, nagbago ang isip ng LP at pumayag nang sumali sa supermajority ng PDP-Laban.

Mamaya, bago ang State of the Nation Address ni Pangulong Rodrigo Duterte, pormal nang bubuksan ang ika-17 Kongreso.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.