SONA ni Pangulong Duterte, posibleng ulanin ayon sa PAGASA
Kailangang magdala ng payong at kapote ng mga lalahok sa mga pagkilos sa araw ng State of the Nation Address ni Pangulong Rodrigo Duterte bukas, araw ng Lunes.
Iyan ay dahil sa posibilidad ng pag-ulan ayon sa PAGASA.
Batay sa pagtaya ng weather bureau, malaki ang posibilidad ng pag-ulan lalo na sa hapon hanggang gabi.
Isang low pressure area o LPA rin umano ang namataan sa silangan ng Baler, Aurora.
Sinabi ni PAGASA Weather Forecaster Obet Badrina na magdadala ang LPA ng hanggang katamtamang pag-ulan sa Cagayan Valley, Cordillera at mga lalawigan ng Aurora, Nueva Ecija, Bulacan at Quezon.
Ngunit malabo naman aniyang maging bagyo ang LPA dahil malapit na ito sa lupa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.