Pribadong palengke sa Quezon City, pinasusunod sa lahat ng regulatory requirements

By Ricky Brozas July 24, 2016 - 01:42 PM

cloverleaf marketBinigyan pa ng palugit ng lokal na pamahalaan ng Quezon City nang hanggang Disyembre ng taong ito ang mga may-ari ng pribadong palengke sa lungsod na sumunod sa lahat ng mga regulatory requirements na ipinatutupad ng pamahalaang nasyonal at lokal kaugnay sa lehitimong pagtitinda.

Ang ultimatum ay ibinigay ni QC Mayor Herbert Bautista matapos iulat ng City Health Department na 48 mula sa 49 na pribadong palengke sa lungsod ang nag-ooperate nang walang mga kaukulang permiso at sertipikasyon, tulad ng health at sanitation permit, business permit, environmental clearances at discharge permits, na nanggaling mula sa QC government, Department
of Environment and Natural Resources (DENR) at Laguna Lake Development Authority (LLDA).

Base sa ulat ni Dr. Verdades Linga, hepe ng City Health Department, tanging ang Super Palengke sa Project 8 lamang ang nakasunod sa mga requirement.

Umaasa si Mayor Bautista na makasusunod sa mga requirement ang mga may-ari ng mga palengke bago mag Pasko.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.