2 hinihinalang kidnapper, patay sa engkwentro sa Mandaluyong City

MandaluyongPatay ang dalawang hinihinalang kidnapper nang maka-engkuwentro ang mga pulis sa Barangay Malamig, Mandaluyong City, Sabado ng gabi.

Bago ang insidente ay nakatangggap umano ang pulisya ng tawag mula sa isang babaeng nakatakas matapos umanong tangkaing dukutin ng mga suspek sa Bonifacio Avenue.

Ayon kay PO2 Anthony Daquel, habang rumesponde ang mga awtoridad, nakasalubong nila sa Triangle Park ang isang Toyota Corolla na tumugma sa paglalarawan ng biktima sa sasakyan ng mga suspek.

Dito ay pinahinto ng mga pulis ang sasakyan, pero sa halip na tumigil ay tumakbo umano ang isang suspek na armado ng baril dahilan para magsimula ang palitan ng putok.

Nasawi sa engkuwentro ang mga hindi pa nakikilalang suspek.

Nakuha sa crime scene ang isang kalibre .38 na baril, isang MK2 grenade, ilang basyo ng bala at sari-saring drug paraphernalia.

Read more...