NCRPO, nakahanda na para sa seguridad sa SONA bukas
Nakahanda na ang National Capital Region Police Office para sa seguridad sa kauna-unahang State of the Nation Address ni Pangulong Rodrigo Duterte bukas, July 25.
Ayon kay NCRPO Director CSupt. Oscar Albayalde, aabot pitong libong pulis ang kanilang ikakalat sa paligid ng Batasan Complex na pangungunahan ni Quezon City Police Director SSupt. Guillermo Eleazar.
May inihanda din aniya silang security measures sakaling ipatawag at papasukin ni Pangulong Duterte sa loob ng Batasan ang lider ng mga militanteng grupo.
Noog Biyernes ng hapon ay isinailalim na sa full alert status ang buong hanay ng NCRPO.
Samantala, nagpaalala naman ang Quezon City Police District at Quezon City-Department of Public Order and Safety sa mga motorista na dumadaan sa bahagi ng Commonwealth Avenue, Montalban at San Mateo na gamitin muna ang mga alternatibong ruta para makaiwas sa posibleng pagsakip ng daloy ng trapiko bukas.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.