Drone bawal gamitin sa SONA ng pangulo

DroneBawal ang pagpapalipad ng anumang uri ng unmanned aerial vehicles (UAV) o drone sa paligid ng Batasan Pambansa Complex sa Lunes, unang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ipinaliwanag ni National Telecommunications Commission (NTC) Deputy Commissioner Edgar Cabarrios na kaya nilang ma-trace kung sinuman ang lalabag sa nasabing kautusan sa pamamagitan ng radio frequency.

Inilabas ang kautusan para na rin sa seguridad ni Pangulong Rodrigo Duterte at ng mga dadalo sa SONA.

Ayon sa opisyal, pwedeng maglagay ng armas sa mga drone na maaaring makasakit o kaya’y makapatay kaya mahigpit nilang ipagbabawal ang paglipat nito base na rin sa naging rekomendasyon ng Presidential Security Group (PSG).

Sakop ng pagbabawal sa paglipat ng mga UAVs ang 2-kilometer radius sa paligid ng Batasan Pambansa Complex.

Read more...