Mga dadalo sa SONA hinikayat na gumamit ng mga lokal na kasuotan
Hinimok ang mga mambabatas, kanilang mga asawa at iba pang mga bisita na dadalo sa kauna-unahang State of The Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte sa darating na Lunes na magsuot ng eco-friendly outfits, handbags at Marikina made shoes.
Ayon kay former Marikina 1st District Representative at ngayon ay Mayor Marcelino Teodoro, mas mabuting gumamit ng mga locally produced na material upang maipakita ang pagtangkilik sa ating mga produkto at kultura.
Dagdag pa ni Teodoro, dapat ang isuot ng mga mambabatas ay iyong mga gawa sa pineapple fiber, banana fiber at iba.
Sa kaugnay na balita, hindi na makikita ang mga barbed wire at mga shipping containers na nakabarikada ngayong SONA. Sinabi ni National Capital Region Police Office (NCRPO) Director Chief Supt. Oscar Albayalde ay papayagang makalapit ang mga militanteng grupo sa Batasang Pambansa.
Ayon kay Albayalde, kanilang napagkasunduan ang mga magpoprotesta sa layong 600 meters mula sa Batasang Pambansa.
Matatandaan sa mga nagdaang SONA, ginagamit ng mga pulis ang mga barikada para mapigilan ang mga militanteng grupo upang maiwasan ang pagkakaroon ng mga bayolenteng komprontasyon.
Ipinahayag ng iba’t ibang lider ng mga militanteng grupo sa kanilang pagpupulong na ang unang SONA ni Duterte ang magiging pinakamapayapa sa kasaysayan ng bansa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.