Mga bus sa Metro Manila isinalang na sa inspeksyon ng LTFRB

By Den Macaranas July 23, 2016 - 10:19 AM

Buses LTFRB
Inquirer file photo

Sinimulan na kaninang umaga ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang pag-imbenteryo lahat ng mga metro buses ditto sa Metro Manila.

Sinabi ni LTFRB Chairman Martin Delgra na aabot sa 4,000 city buses ang dadaan sa kanilang inspeksyon na layuning mapag-aralan kung dapat na bang bawasan ang mga bus lalo na sa kahabaan ng Edsa.

Isa-isang tinitingnan ang mga chassis number at plaka ng mga bus para malaman kung ang mga ito ay colorum o hindi.

Inaasahang matatapos ang pag-iinspeksyon sa buwan ng Setyembre at pagkatapos nito ay maglalabas na sila ng rekomendasyon.

Isusunod naman sa gagawing record inspection ang mga provincial buses ayon sa LTFRB.

TAGS: buses, delgra, ltfrb, buses, delgra, ltfrb

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.