Asi Taulava hindi magso-sorry sa pagsampal sa player ng SMB

By Den Macaranas July 23, 2016 - 09:13 AM

Taulava
PBA/Youtube

Walang pinagsisihan si Asi Taulava ng NLEX Road Warriors sa kanyang ginawang pagsampal kay David Semerad ng San Miguel Beer sa kanilang paghaharap kagabi sa PBA Governor’s Cup.

Nasa huling bahagi na ng 3rd quarter ng magkaroon ng gitgitan sa pagitan nina Semerad at ng import ng NLEX na si Henry Walker.

Hinawi ni Semerad ang kanyang kanang kamay na tumama naman sa labi ni Semerad dahilan para ito’y dumugo at tinawagan ng foul ang forward ng San Miguel Beermen.

Hindi nagustuhan ni Taulava ang ginawa ni Semerad kaya kaagad niya itong nilapitan at binangga sa dibdib.

Itinulak naman siyang papalayo ni Semerad pero kaagad naman siyang sinampal sa kaliwang pisngi ni Taulava.

Kaagad na tinawagan ng double technical fouls sina Taulava at Semerad pero hindi naman sila pinalabas ng court.

Sa panayam ng media, sinabi ng 43-anyos na si Taulava na nagsilbi lamang siyang “big brother” sa kanyang team mates at hindi siya papaya kahit sino sa kanyang mga kakampi ang masasaktan sa loob ng hardcourt.

Sinabi naman ng import ng NLEX na bilang pagtanaw ng utang na loob sa ginawa ni Taulava ay handa siyang magbayad ng multa para sa Pinoy cager kung papatawan man siya ng parusa ng PBA.

Nanalo ang SMB sa nasabing laban sa iskor na 94-93.

TAGS: NLEX, pbp, semerad, smb, taulava, walker, NLEX, pbp, semerad, smb, taulava, walker

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.