Trangkaso, leptospirosis, lumalaganap na rin kasabay ng dengue

A man crosses deep floodwaters using water containers as floaters in suburban Quezon City, north of Manila, Philippines on Tuesday Aug. 7, 2012. Torrential rains pounding the Philippine capital on Tuesday paralyzed traffic as waist-deep floods triggered evacuations of tens of thousands of residents and the government suspended work in offices and schools.(AP Photo/Aaron Favila)
(AP Photo/Aaron Favila)

Kasabay ng pagtaas ng bilang ng mga kaso ng dengue, ay ang pagtaas rin ng bilang ng mga nagkaka-trangkaso at leptospirosis.

Nagpaalala ang lokal na pamahalaan ng lungsod ng Maynila sa pagtaas ng posibilidad ng mga impeksyon mula sa waterborne diseases, kasunod ng babala ng Department of Health (DOH) kaugnay sa pagtaas ng kaso ng dengue sa buong bansa.

Ayon kay Manila Health Department chief Dr. Benjamin Yson, ngayong panahon ng tag-ulan mababatid ang sabay-sabay na pagdami ng mga nagkakaroon ng mga nasabing sakit.

Dahil aniya dito, patuloy ang kanilang pagpapakalat ng impormasyon sa bawat barangay para makaiwas sila sa mga ganitong impeksyon.

Halimbawa aniya, dahil sa mga pag-baha dulot ng ulan, lumalaganap ang sakit na leptospirosis na dala ng ihi ng mga daga, at dengue na dala naman ng mga lamok.

Bagaman ayaw naman niyang may sinumang magkakasakit sa kaniyang lungsod, pinaalala ni Manila Mayor Joseph Estrada na sakaling kailanganin, may anim na pampublikong ospital at 59 na community health centers ang handang magbigay ng libre at de kalidad na serbisyo sa mga mamamayan.

Read more...