Mall sa Munich, binulabog ng pamamaril

By Kabie Aenlle July 23, 2016 - 05:40 AM

munich shooting
AP photo

(Update) Umakyat na sa sampu ang kumpirmadong patay, habang hindi bababa sa 15 ang sugatan sa pamamaril na naganap sa loob ng isang shopping mall sa Munich, Germany.

Ayon sa report ng German NTV channel, bigla na lamang may namaril sa loob ng Olympia shopping mall dakong alas-6:00 ng gabi sa Germany, dahilan para sumugod ang mga otoridad sa lugar.

Nataranta ang mga tao at agad na nagsi-labas sa mall.

Agad nilang isinara ang malawak na lugar sa paligid ng mall dahil hindi pa rin nahuhuli ang tumakas na suspek ayon sa mga pulis.

Dahil nakatakas ang ilan sa mga suspek, pinaalalahanan ng mga otoridad ang publiko na hangga’t maaari ay huwag lumabas sa kanilang mga kinaroroonan at huwag pumunta sa mga pampublikong lugar.

Gayunman ayon sa Munich newspaper na TZ, isa sa mga suspek ang patay matapos barilin ang kaniyang sarili.

Kaagad na nagsagawa ng pulong ang buong miyembro ng security council sa pangunguna ni Chancellor Angela Merkel habang inaalam pa ng mga otoridad kung may kaugnayan ang I.S sa nasabing pag-atake.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.