All-set na ang Kamara sa kauna-unahang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte
Ayon kay House Deputy Secretary General Artemio Adasa, naka-lock-out na ang Batasan Complex.
Ibig sabihin, bawal nang makapasok ang walang official business at ang pinapayagan lamang na makapasok sa Batasan Pambansa ay ang may pass o clearance.
Kinumpirma rin ni Adasa na napakaraming nabawas sa paghahanda sa Duterte SONA, gaya ng paghahanda sa pagkain, dekorasyon at maging members ng welcoming committee.
Kung dati aniya ay umaabot 20 ang miyembro ng welcoming committee, ngayon ay nasa apat na lamang.
Ang sasalubong sa pangulo ay ang senate president, house speaker, at majority leaders ng dalawang kapulungan.
Wala na ring bonggang flower arrangements, habang nakalatag pa rin ang red carpet sa North at South wings at main entrance papasok ng session hall.
Alas-kwatro ng hapon sa Lunes ang SONA ni Presidente Duterte.
Samantala, ikinabit na rin ang mga bagong litrato ng mga kongresistang miyembro ng 17th Congress.
Kapansin-pansin na ikinabit pa rin ang litrato ni DPWH Secretary Mark Villar, na halal na Las Piñas Congressman noong May 9 elections.
WATCH: Pagkakabit ng mga bagong litrato ng mga Kongresista sa bahagi ng entrance ng session hall. @dzIQ990 pic.twitter.com/85FKl3TsLR
— Isa Avendaño-Umali (@isaavendanoDZIQ) July 22, 2016
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.
