Alunan, next choice ni Duterte kapag tumanggi si FVR na maging emisaryo sa China
Si dating Interior Secretary Rafael Alunan III ang next choice ni Pangulong Rodrigo Duterte kung hindi papaya si Pangulong Fidel V. Ramos na maging emisaryo ng Pilipinas sa China.
Ayon kay Duterte, kung talagang hindi kakayanin ni Ramos partikular ng kaniyang kalusugan si Alunan aniya ang gagawin niyang special envoy.
Ginawa ni Duterte ang pahayag sa pagbisita niya sa 6th Infantry Division ng Philippine Army sa Maguindanao.
Una nang sinabi ni dating Pangulong Ramos na makikipagkita siya kay Duterte sa weekend para pag-usapan ang isyu.
Magugunitang hiniling ni Duterte na maging special envoy sa China si Ramos, ilang araw matapos mailabas ng international arbitration tribunal ang pasya nito sa kasong inihain ng Pilipinas.
Bagaman payag naman si Ramos na tanggapin ang trabaho, sinabi niyang kailangan muna niyang makakuha ng medical clearance mula sa kaniyang mga duktor.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.