Cholesterol ni CGMA, mataas, kinakailangang bantayan
Inilabas na ang resulta ng isinagawang blood test kay dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo sa St. Leuk’s Memorial Medical Center sa Quezon City.
Bagaman hindi pa tapos at wala pang resulta ang ilan sa pagsusuri na isinagawa sa dating pangulo, lumabas naman na ang resulta ng blood tests nito.
Ayon kay dating Justice Sec. Agnes Devanadera, “remarkably high” ang cholesterol ni Arroyo at kinakailangang masusing mabantayan.
Sa nasabing pagamutan nag-overnight ang dating pangulo dahil kailangang sumailalim sa isang laboratory tests.
Matapos siyang makalabas ng VMMC, naghapunan lamang si Arroyo sa bahay niya sa La Vista kasama ang kaniyang pamilya at mga kaibigan, at pagkatapos ay dinala na siya sa St. Luke’s hospital.
Ayon naman kay Jude Trinidad, corporate communications officer ng ospital, nakalabas na rin ng pagamutan si Arroyo kaninang (Biyernes) alas 2:30 ng hapon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.