Ito’y dahil kaniyang kasong katiwalian dahil sa paggamit ng mahigit dalawang milyong pisong calamity fund para ibili ng matataas na kalibre ng baril noong siya’y alkalde pa ng San Juan City.
Sa dalawang pahinang motion na inihain ni Assistant Prosecutor Peter Jedd Boco sa 5th division, alinsunod sa Revised Penal Code ay dapat na sinususpinde ang isang akusado na may hinaharap na balidong kaso.
Ang pagsailalim umano nina Ejercito sa arraignment ay patunay lamang na balido at wala ng kwestyon sa impormasyon ng kaso nito.
Kabilang naman sa ipinasususpinde ng prosecution ang iba pang co-accused ni Ejercito na may hinahawakang posisyon o incumbent sa pamahalaan.
Si Ejercito ay nasa nahalal na Senador noong 2013 elections, at may natitirang tatlong taon pa bilabg miyembro ng Mataas na Kapulungan.