Prosekusyon gustong ipa-suspinde sa senado si Sen. JV Ejercito

By Dona Dominguez-Cargullo July 22, 2016 - 03:39 PM

jv-ejercitoInihirit ng prosecution panel sa Sandiganbayan na suspendehin na si Senador JV Ejercito.

Ito’y dahil kaniyang kasong katiwalian dahil sa paggamit ng mahigit dalawang milyong pisong calamity fund para ibili ng matataas na kalibre ng baril noong siya’y alkalde pa ng San Juan City.

Sa dalawang pahinang motion na inihain ni Assistant Prosecutor Peter Jedd Boco sa 5th division, alinsunod sa Revised Penal Code ay dapat na sinususpinde ang isang akusado na may hinaharap na balidong kaso.

Ang pagsailalim umano nina Ejercito sa arraignment ay patunay lamang na balido at wala ng kwestyon sa impormasyon ng kaso nito.

Kabilang naman sa ipinasususpinde ng prosecution ang iba pang co-accused ni Ejercito na may hinahawakang posisyon o incumbent sa pamahalaan.

Si Ejercito ay nasa nahalal na Senador noong 2013 elections, at may natitirang tatlong taon pa bilabg miyembro ng Mataas na Kapulungan.

 

 

TAGS: JV Ejercito, JV Ejercito

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.