Mahigit 600,000 na ang nagparehistro para sa Brgy. at SK elections
Ilang araw matapos pormal na buksan ang pagpaparehistro para sa Baranggay at SK elections, hinikayat ng Commission on Elections o Comelec ang publiko na huwag ng antayin pa ang deadline ng pagpaparehistro.
Ayon sa COMELEC, mababa ang bilang ng mga nagparehistro sa unang ilang araw mula ng buksan ito.
Sa ngayon ayon kay Comelec Chairman Andres Bautista, nasa 666,748 na ang nakakapagparehistro para sa Barangay at SK elecitons sa buong bansa.
Ito ay datos simula July 15 hanggang July 20, 2016.
Kaugnay nito, sinabi ni COMELEC spokesperson James Jimenez, na bukas ang kanilang mga lokal na opisina kahit Sabado at Linggo kaya walang dahilan para hindi makapagparehistro.
Iwasan rin aniya ang pagpapabukas, lalo na ang pagsabay sa deadline upang hindi na makaranas sa mahabang pila dahil sa dagsa ng tao.
Noong July 15 nang simulan ng Comelec ang pagtanggap ng mga nais magparehistro.
Tatagal ang registration hanggang sa July 30 lamang.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.