Lalaki patay sa buy-bust operation sa Paco, Maynila

crime-scene-620x413Patay ang isang lalaki na hinihinalang drug pusher matapos manlaban sa drug buy-bust operation ng mga pulis sa Paco, Maynila.

Ayon sa Navotas police, nagkasa sila ng isang buy-bust operation laban sa suspek na si Daniel Redota.

Nang malapit na sila sa bahay na tinitirahan ni Redota malapit sa riles, isang lalaki umano ang sumigaw at nagbigay ng warning na may paparating na mga pulis.

Agad umanong nagpaputok ang suspek na ginantihan naman ng mga otoridad.

Narekober sa bahay ni Redota ang kalibre 38 na baril at mga plastic sachet ng shabu.

Ang nasabing suspek ay nauna nang sumuko sa Oplan Tokhang pero binalikan pa rin nito ang ilegal na gawain.

 

 

Read more...