South Korean na nagbigti sa loob ng CR sa NAIA, wanted sa investment scam

By Dona Dominguez-Cargullo July 22, 2016 - 08:44 AM

NAIA Terminal 3Pinaghahanap umano sa South Korea dahil sa pagkakasangkot sa investment scam ang Korean National na si Sang Kwan An na natagpuang patay sa loob ng CR sa NAIA Terminal 3 Huwebes ng gabi.

Dumating sa bansa si Sang kahapon ng madaling araw pero hindi ito pinayagang makapasok ng bansa dahil may kahilingan ang Interpol at Korean Embassy na harangin si Sang sa sandaling dumating ng Pilipinas.

Dumating si Sang sakay ng Cebu Pacific flight galing Taipei at dahil naharang ito ng immigration, dinala muna siya sa exclusion room na pinaglalagakan sa mga pasaherong nade-deny ng entry.

Habang hinihintay ang flight pabalik sa Korea, nag CR umano si Sang sa exclusion room sa NAIA at doon na natagpuang nakabigti.

May asawang Pinay si Sang at batay sa kaniyang drivers’ license ay residente ito ng Davao City.

Ayon kay Department of Transportation spokesperson Cherie Mercado, natagpuan ng mga airport personnel ang katawan ni Sang sa loob ng comfort room na nakatali ang bag strap sa kaniyang leeg.

Ang dulo ng bag strap at itinali naman sa hook na nasa likod ng pintulan ng cubicle.

Sinabi ni NAIA Terminal 3 Manager Ricardo Medalla Jr., na present ang mga opisyal mula sa embahada ng South Korea habang ipinoproseso ang katawan ni Sang.

 

TAGS: South Korean found dead inside NAIA terminal 3, South Korean found dead inside NAIA terminal 3

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.