Clandestine laboratory na ino-operate ng napatay na drug lord, sinalakay sa Valenzuela
Matapos mapatay sa running gun battle ang big-time Chinese drug lord na si Meco Tan, sinalakay naman ng Philippine National Police (PNP) at ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) isang warehouse na hinihinalang ginagamit bilang clandestine laboratory.
Ang nasabing warehouse ay ino-operate umano ng napatay na si Mico Tan sa bahagi ng tinaguriang “Plastic City” sa T.Santiago, Valenzuela City.
Pinangunahan ni PNP Chief Dir. Ronald “Bato” Dela Rosa ang inspeksyon sa warehouse kung saan nadatnan ang hindi bababa sa sampu na Chinese Nationals.
Nang kausapin ni Dela Rosa, karamihan sa mga ito ay magagaling nang mag-tagalog dahil nasa anim ana taon na umano sila sa Pilipinas.
Isinasailalim sa paggalugad ngayon ang nasabing warehouse na nakitaan ng mga sangkap sa paggawa ng plastic.
Ayon sa PNP, sa nasabing warehouse nila pinuntahan si Tan kaninang madaling araw para isilbi sana ang arrest warrant pero nagtangka itong tumakas sakay ng Honda Civic na nagresulta sa pagkakapatay sa kaniya.
WATCH: May mga nadatnang Chinese Nationals sa pinasok na hinihinalang shabu lab | by Christopher Diocado-DZIQ pic.twitter.com/oueYlOAcgq
— RadyoInquirer990AM (@dzIQ990) July 21, 2016
WATCH: Ayon sa PDEA, ang pinasok na bahay ay hinihinalang clandestine laboratory | @jongmanlapaz pic.twitter.com/6eDione5qF
— RadyoInquirer990AM (@dzIQ990) July 21, 2016
MORE: Hinihinalang clandestine lab sa Valenzuela, pinasok ng PNP, mga Chinese Natls nadatnan sa loob | @jongmanlapaz pic.twitter.com/PEJGoXF9XL
— RadyoInquirer990AM (@dzIQ990) July 21, 2016
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.