Big-time Chinese drug lord, napatay ng mga tauhan ng PNP-AIDG sa Valenzuela City

By Jong Manlapaz July 22, 2016 - 06:18 AM
Kuha ni Jong Manlapaz
Kuha ni Jong Manlapaz

Napatay ng mga tauhan ng Philippine National Police (PNP) – Anti Illegal Drugs Group ang big-time drug lord at shabu laboratory operator na si Mico Tan.

Sisilbihan sana ng arrest warrant si Tan sa kaniyang bahay sa isang subdivision sa Valenzuela nang ito ay magtangkang tumakas, sakay ng Honda Civic.

Doon na nagkahabulan at nagkaputukan na nagresulta sa pagkamatay ni Tan.

May nakita ring backpack sa sasakyan ni Tan na puno ng hinihinalang shabu.

Nagtungo sa lugar si PNP Chief Ronald Dela Rosa.

Si Tan ay kilalang operator ng shabu laboratory sa Naic Cavite.

Maliban dito, si Tan din umano ang operator ng shabu laboratory sa Scout Chuatici sa Quezon City.

 


 

TAGS: Chinese big time drug lord Meco Tan killed, Chinese big time drug lord Meco Tan killed

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.