Binasag na ni Pangulong Benigno Aquino III ang kaniyang katahimikan kaugnay sa pagkaka-abswelto ng dati ring Pangulo at ngayo’y Rep. Gloria Arroyo sa kasong plunder.
Matatandaang nakasaad sa desisyon ng Supreme Court, hindi maituturing na ebidensya para sa kasong plunder ang “unqualified OK” ni Arroyo sa pag-labas ng intelligence funds ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).
Sa kaniyang inilabas na pahayag, kinwestyon ni Aquino ang naturang desisyon, na tila ba nangangahulugan na wala talagang anomalya at krimen na nangyari, o wala talagang dapat managot dahil nagamit ang pondo sa maayos na paraan.
Binanggit pa ni Aquino ang malinaw aniya na paglabag ni Arroyo sa Republic Act 1169 kung saan makikita sa Section 8 nito na hindi maaring gamitin sa maling paraan ang pondo ng PCSO.
Inakusahan rin niya si Arroyo ng pangungunsinti ng “poor managerial performance” sa mga taong bigong maihanda ang tama at maayos na budget dahil hindi niya pinarusahan ang mga ito.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.