Duterte, suportado ang mga sundalong makakapatay ng mga sangkot sa droga

By Jay Dones July 22, 2016 - 04:37 AM

 

duterte-0719 (1)Muling tiniyak ni Pangulong Rodrigo Duterte na suportado niya ang sinumang makakapatay sa mga sangkot sa iligal na droga at iba pang uri ng krimen.

Sa pagharap ni Pangulong Duterte sa mga sundalo na nakadestino sa Zamboanga City, muling inulit ni Duterte na walang magiging problema ang mga gumagawa ng kanyang kautusang lipulin ang mga nasa likod ng illegal drug trade.

Ipinagmalaki rin ni Duterte na sa kabila ng daan-daang napapatay na hinihinalang tulak at gumagamit ng droga, marami naman ang natakot at nagsiukong drug users at pushers.

Sa ngayon aniya, nasa 80,000 mga drug dependents na ang sumuko sa kasalukuyan.

Hinimok din ni Duterte ang mga sundalo na gumawa ng sariling sakripisyo upang maipanalo ang kampanya kontra droga at terorismo.

Malimit aniyang nalalagay sa alanganin ang imahe ng Pilipinas tuwing may nakikidnap o napapatay na dayuhan ang mga bandidong grupo.

Kapalit aniya nito ay ang katiyakang madadagdagan ang suweldo at benepisyo tulad ng ipinangko nito noong panahon ng kampanya.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.