Isa na namang hinihinalang drug pusher, patay sa Maynila

By Jong Manlapaz July 22, 2016 - 04:30 AM

 

Kuha ni Jong Manlapaz

Hinihinalang drug pusher, patay sa Maynila

Patay ang isang hinihinalang tulak ng bawal na gamot sa isang riles sa Paco, Maynila.

Ayon kay Manila Police District Station 10 commander Supt. Emerey Abating, nagkasa sila ng drug buy bust operations laban sa suspek na kinilalang si Daniel Redota, 40 yrs old, residente ng Blk.49 lot 136 Southville Cabuyao, Laguna.

Pero ng papasok na umano ang mga pulis sa matalahib na lugar kung saan may barong-barong ang suspek, sumigaw umano ang kanyang mga kapitbahay na mga pulis.

Dahil dito agad na kinuha ng suspek ang kanyang 38 caliber na baril at agad na pinaputukan ang mga pulis. Gumanti naman ng putok ang mga pulis na agad kinamatay ng suspek.

 

Maliban sa kanyang baril may nakuha din mga plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu.

Ang namatay na suspek ay minsan na umanong sumuko sa Oplan Tokhang, pero hindi rin lumayo sa masamang bisyo.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.