Coast Guard magkakaroon ng bagong barko

July 22, 2016 - 04:21 AM

 

Inquirer.net/AP

Ibibigay na ng United States Coast Guard (USCG) ang isa sa kanilang hindi na ginagamit o ‘decommissioned’ na barko sa Philippine Coast Guard (PCG).

Sa Byernes, nakatakdang pormal na i-turn over ng USCG ang isa nilang cutter ship sa mga tauhan ng PCG sa isang seremonyang magaganap sa Coast Guard Base sa Alameda, California.

Sa advisory ng USCG, ipinaliwanag na bahagi ang proyekto ng Excess Defense Articles Program sa pagitan ng dalawang bansa.

Sakaling mai-turn over na sa Pilipinas, tatawagin na ang barko na BRP Andres Bonifacio (FF-17).

Si Captain Brendo Casaclang ang nakatakdang magsilbi bilang commanding officer ng BRP Andres Bonifacio.

Bago bumiyahe patungo dito sa bansa, dadaan muna sa pagsasanay ang mga magiging crew ng barko.

Inaasahang tatagal ng tatlong buwan ang byahe ng bagong barko ng Pilipinas mula Amerika na inaasahang maglalayag sa Oktubre.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.