30 estudyante sa Butuan, nalason sa tsokolate

By Kabie Aenlle July 22, 2016 - 04:18 AM

 

File photo/Wikipedia

Isinugod sa ospital ang nasa 30 estudyante sa Butuan City of Arts and Trade dahil sa food poisoning.

Ayon sa isang guro, nakita niya ang mga Grade 8 students ng isang pangkat na kumakain ng mga tsokolate pasado tanghali ng Huwebes.

Makalipas ang dalawang oras, karamihan sa kanila ay sumakit ang tiyan, nahilo at nag-suka kaya binigyan muna nila ang mga ito ng paunang lunas para sa food poisoning bago isinugod sa ospital.

Nakalabas rin agad ang mga estudyante, ngunit naiwan ang dalawang medyo malala ang inabot na pagkakalason.

Napag-alaman na isa sa kanilang mmga kaklase ay namigay ng tsokolate mula sa Maynila na dalawang taon na palang expired.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.