Pawang mga Brazilian citizens ang grupo na hindi personal na magkaka-kilala ngunit nag-uusap sa pamamagitan ng internet messaging tulad ng WhatsApp at Telegram.
Ayon kay Justice Minister Alexandre Moraes, walang direktang komunikasyon ang grupo sa IS, gayunman ilan sa mga miyembro nila ay nanumpa ng pag-suporta sa teroristang grupo.
Ibinahagi pa ni Moraes na nagpa-plano ang mga ito na makakuha ng mga armas at gumawa ng mga krimen hindi lang sa Brazil kundi maging sa iba pang mga bansa.
Hindi aniya organisado masyado ang grupong ito ngunit nag-desisyon ang mga otoridad na supilin ang grupo nang mag-simula na silang mag-plano.
Ilan sa mga miyembro nila ay pumunta pa sa isang weapons site sa Paraguay na nagbebenta ng AK-47 rifles ngunit wala namang ebidensya na nakabili ang mga ito.
Dalawang katao ang kukwestyunin, maliban pa sa sampung nakakulong na ngayon.
Tiniyak naman ng intelligence agency ng Brazil na iniimbestigahan nila ang lahat ng posibleng banta ng terorismo para sa Rio Olympics na magsisimula na sa August 5.