South Korean, nagpakamatay umano sa NAIA

 

Natagpuang patay ang isang South Korean national sa loob ng Ninoy International Airport Terminal 3, Huwebes ng gabi.

Ayon sa Manila International Airport Authority, nadiskubre ang wala nang buhay na biktima na si An San Kwan, 50-anyos na nakabigti sa loob ng isang cubicle sa comfort room ng  airport exclusion room dakong alas 7:30 ng gabi.

Natagpuan umano ang bangkay ng biktima na nakaupo sa sahig ng cubicle habang nakapulupot sa leeg nito ang strap ng kanyang bag na itinali sa door hook ng pintuan.

Una rito, hindi pinayagang makapasok sa bansa ng immigration officials ang  Koreano matapos itong dumating sa bansa mula Taipei lulan ng Cebu Pacific flight dakong alas 3:30 ng umaga, Huwebes.

Dahil dito, nanatili ito sa exclusion room ng NAIA.

Hindi pa malinaw kung ano ang dahilan kung bakit hindi pinayagang makapasok sa bansa ang Koreano.

Read more...