Release paper ni CGMA pirmado na ng Sandiganbayan
Naglabas na ng kautusan ang Sandiganbayan 1st Division na nag-aatas sa pagpapalaya kay dating Pangulo at ngayo’y Pampanga Rep. Gloria Arroyo at co-accused na si Benigno Aguas.
Ito ay salig na rin sa utos ng Korte Suprema na palayain ang dalawa matapos maabswelto sa kasong plunder kaugnay sa umano’y maanomalyang paglustay ng PCSO intelligence funds.
Pasado alas-tres ng hapon nang dumating sa Sandiganbayan ang process server ng Supreme Court dala ang notice of judgment at promulgated decision sa CGMA case.
Agad na prinoseso ito ng 1st Division.
Pero dahil nakauwi na ang dalawang justices na members ng 1st division, sina Presiding Justice Amparo Tang at Justice Amparo Cabotaje-Tang ay si Justice Geraldine Econg ang lumagda sa direktiba.
Kasama sa binigyan ng kopya ng order ang sherriff ng SC, PNP Police Security Protection Group, Vaterans Memorial Medical Center, PNP-CIDG at PNP Custodial Center.
Si GMA ay nasa VMMC habang si Aguas ay nasa PNP Custodial Center naman.
Si Onofre Tejada ang sherriff ng Sandiganbayan na nataasang magdala ng order na agad umalis sa anti-graft court.
Mahigit limang taon na dininig sa Sandiganbayan ang plunder case ni GMA at mga co-accused nito.
Gayunman, nakapagpiyansa ang ibang respondents habang si Arroyo ay nanatiling naka-hospital arrest sa VMMC.
Humingi na ng saklolo si Arroyo sa Korte Suprema, hanggang sa tuluyang naibasura ang PCSO plunder case nito.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.